Bibingka Espesyal Recipe

Ingredients:

  • 4 na itlog, pinaghiwalay
  • ¾ na puswelong pulang asukal
  • 1 ¼ na puswelong gata ng niyog (1 malaking niyog)
  • 2 puswelong sinalang Swans Down Cake Flour
  • 4 na kutsaritang alumet baking powder
  • ¼ na kutsaritang asin
  • 3 pirasong kesong laguna (hiwa-hiwa)
  • Lusaw na margarina
  • Magaspang na asukal

Cooking Instructions:

  1. Batihin ang pula ng itlog hanggang lumapot at magkulay limon. Tunawin ang asukal sa ½ puswelong gata ng niyog.
  2. Haluin at salain ang arina, asin at baking powder. Idagdag nang kutsa-kutsara sa asukal at gata ng niyog na pinagsangkap, nang salitan ang gata ng niyog. Batihing maigi. Isama ang pula ng itlog at paghaluin.
  3. Batihin ang puti ng itlog hanggang umalsa. Isama sa sangkap. Ihanay ang mainit na hurnuhan ng bibingka na may dahon ng saging na idinarang sa apoy. Ibuhos ang mga ½ puswelo ng sangkap sa mga hurnuhang may dahon ng saging. patungan ng mga hiniwa-hiwang kesong laguna. Takpan ng isang manipis na lata o hierrong may nagbabagang uling o kaya’y bao ng niyog.
  4. Kung luto na ang bibingka, pahiran ito ng lusaw na margarina at budburan ng magaspang na asukal. Ipagpatuloy ang paghuhurno hanggang mamula-mula ang mga bibingka. Ihain nang mainit na may kinudkod na sariwang niyog. Nakakgagawa ng 5 maliliit na bibingka.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Advertisement

Special Offer For You!!

Comments are closed.