Bola-Bolang may Curry Recipe

Ingredients:

  • 1 kilong giniling na baboy
  • 2 tinadtad na sibuyas
  • 2 buong itlog
  • 2 kutsarang mantikilya
  • 3 kutsarang curry powder
  • 4 na tasang sabaw
  • 3 kutsarang arina
  • 1 kutsaritang dinikdik na bawang

Cooking Instructions:

  1. Ihanda ang bola-bola sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng ginileng, sibuyas (kalahati lamang) at dalawang itlog.
  2. Timplahan ng asin at paminta. Gawing bola-bola at papulahin sa kawali. Itabi sandal. Ihanda ang sarsa sa pamamagitan ng pagpapapula ng bawang sa mantika.
  3. Isunod ang kalahati ng sibuyas at lutuin. Paghaluin naman ang arina at curry powder. Isama sa sabaw at isalin sa niluluto. Haluing tuluyan upang maiwasan ang pagmumuo.
  4. Kung malapot na, isalin sa bola-bolang inilagay sa baking dish. Ipasok sa pugong may katamtamang init.

Image Sources: http://gharkhana.blogspot.com/

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.