Category Archives: Beef Recipes

Bulalo sa Bayabas

Bulalo sa Bayabas

Procedure:

INGREDIENTS:

1 kilo bulalo
10 cups water
2 tomatoes, sliced
2 onions, sliced
1 radish, sliced finger chilis
250 grams sitaw, cut into 1” pieces
4 tbsp fish sauce
2 cups kangkong
16 ripe guavas, pureed (set meat aside)
salt and pepper

PROCEDURE:

  1. In a pan, pour the stock and add the onions and tomatoes. Let it boil until the tomatoes soften.
  2. Add the bulalo, salt and pepper. Simmer until tender. Add the sitaw, radish and finger chili.
  3. Add the ripe guava puree and then the fish sauce.
  4. Lastly, add the kangkong leaves, roughly cut guava meat and finger chili.
  5. Simmer for a few minutes to cook.
  6. Add salt and pepper to taste.

To make guava puree:

  1.  Prepare 10 yellow native guavas. Scoop out meat using a spoon. Throw into ½ cup of boiling water and crush until pureed. Pass puree through a sieve to remove seeds.

Please download here the recipe.

Download6 downloads

Baka, Kabuti at Sarsa

Baka, Kabuti at Sarsa

Procedure:

Ingredients

1 kilong baka, ilaga
3 sibuyas
1 pimiento
1 latang kabuti
¼ na librang mantikilya, sariwa

Sarsa:

¼ na librang sariwang mantikilya
1 latang gatas na ebaporada
3 pula ng itlog
2 onsang kinadkad na keso
2 kutsarang gawgaw

Instructions

  1. Igisa sa mantika ang sibuyas. Ihalo ang kabuti, pimiento at hiniwa-hiwang baka. Timplahan ng asin at paminta. Isalin ang sarsa.

Sarsa:

  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap. Lutuin sa ibabaw ng magkapatong na lutuan. Haluin nang haluin hanggang lumapot ang sarsa.
  2. Itabi sandali. Hanguin sa apoy. Gamitin ayon sa hinihingi ng resipi. (para sa 5-6 na paghahain).

Please download here the recipe.

Download62 downloads

Hinurnong Bakang may Matamis

Hinurnong Bakang may Matamis

Procedure:

Ingredients

1 kilong baka
½ ulong bawang
Asin
Paminta
¼ na tasang arina
6 na osang latang tomato paste
1 berdeng sili, hiwain nang pabilog
1 latang kabuti, patuluin
1 maliit na dahong laurel
¼ na kutsaritang thyme
1 kutsarang asukal
1 malaking sibuyas, hiwain
1 ½ tasang tubig

Instructions

  1. Hiwain ang baka. Alisin ang taba. Kuskusin ng bawang ang karne. Budburan ng asin at paminta. Lagyan ng arina ang baka. Bayuhin o pukpukin para kumapit ang arina.
  2. Painitin ang langis sa kawali. Papulahin ang mga hiwa ng baka. Alisin ang baka. Ilipat sa kaserola. Alisin ang langis sa kawali.
  3. Ihalo ang “Tomato Paste”, tubig, asukal at mga pampalasa. Painitin sa kawaling ginamit. Iayos ang sibuyas at berdeng sili sa ibabaw ng baka.
  4. Isalin ang “Tomato Paste” at mga kasamang sangkap. Takpang mabuti ang lutuan. Maaring gumamit ng “Aluminum Foil” bilang panakip. Ihurno sa pugong may 350°F ang init.
  5. Pagkaraan ng 1 ½ o 2 oras o kung luto na ang karne, hanguin. (Para sa 4-6 na paghahain).

Please download here the recipe.

Download39 downloads

Suki-Yaki

Suki-Yaki

Procedure:

Ingredients

¼ na kilong baka, kabilugan, hiwain nang manipis at pakudrado
1 kutsarang toyo
1 kutsarang asukal
3 pirasong tuyong kabuti ibabad sa tubig at hati0hatin
2 tokwa
2 malaking sibuyas, pag-apatin
1 karot, hiwain
2 tangkay ng kintsay, hiwain
5-6 dahong petsay baguio
50 gramong sotanghon
1 ½ kutsarang asukal
¾ na kutsarang toyo
½ tasang sabaw ng nilagang baka
1 kutsarang Aji-No-Moto
¼ na tasang mantikilya o margarina

Instructions

  1. Ibabad ang bakang-hiwa nang pakudrado at kasingnipis ng papel sa pinaghalong isang kutsarang toyo at isang kutsarang asukal. Itabi sandali. Ihanda ang kabuti, tokwa, mga gulay at sontanghon. Pagsama-samahin ang asukal, toyo, sabaw at betsin. Itabi sandali.
  2. Tunawin sa kawali ang mantikilya. Iprito ang kabuti. Itulak sa isang tabi. Iprito nang mabilis ang magkabilang panig nga mga hiwa ng baka. Itabi sandali. Ilagay sa lutuan ang sibuyas at tokwa.
  3. (Ang bawa’t sangkap ay niluluto sa isang kawali lamang bagama’t hiwa-hiwalkay ang paghahanda ng bawa’t isa).
  4. Ilagay ang kerot sa lutuan. Takpan. Lutuin sa mahinang apoy sa loob ng 1 minuto. Ilagay ang petsay at kintsay. Lutuin ng 1 minuto. Ihalo ang dahong petsay, sotanghon at sabaw. Lutuin ng 2 minuto pa. hanguin agad sa isang sisidlan. Ihain.

Please download here the recipe.

Download76 downloads

Barbecue Meat Loaf

Barbecue Meat Loaf

Procedure:

Ingredients

1 itlog
¼ na tasang gatas
2 kutsarang sibuyas, tinadtad
1 kutsaritang asin
4 na kutsarang mustard
1 tasang mumu ng tinapay
1 librang giniling na baka

Instructions

  1. Pagsama-samahin ang itlog, gatas, sibuyas, asin, 2 kutsarang “mustard” at mumu ng tinapay. Ihalo ang giniling. Haluing dahan-dahan.
  2. Ilagay sa “loaf pan” na pinahiran ng mantika. Ihurno sa pugong may 350°F ang init. Patagalin ng 45 minuto ang paghuhurno.
  3. Pahiran ng 2 kutsarang “mustard” at lutuin ng 5 minuto. Alisin ang katas at gamitin sa paggawa ng sarsa. (para sa 4 na paghahain.)

Please download here the recipe.

Download3 downloads

Bipstik

Bipstik

Procedure:

Ingredients

1 kilong karneng baka
¼ kilong arina
Asin at paminta
Sibuyas na ginayat
½ tasang tubig
1 tasang katas ng kamatis

Instructions

  1. Ihudhod ang laman ng karne sa harinang may asin at sili. Paluin ng maso ang laman sa likod ng itak. Prituhin sa mantika.
  2. Isama ang sibuyas, tubig at katas ng kamatis. Takpan at pakuluin sa loob ng 1 ½ oras hanggang lumambot ang laman. Bilingin paminsan-minsan.

Please download here the recipe.

Download26 downloads

Corned Beef at Asparagus

Corned Beef at Asparagus

Procedure:

Ingredients

2 butil na bawang
1 sibuyas, tadtarin
4 na hinog na kamatis, tadtarin
2/3 o ½ latang ‘‘Corned Beef“
4 na tasang sabaw o tubig
6 na hiwang asparagus, hiwa-hiwain
1 ½ kutsaritang asin
1 kutsaritang Aji-No-Moto

Instructions

  1. Igisa sa langis ang bawang, sibuyas at kamatis. Ihalo ang ‘‘corned beef‘‘at sabaw. Ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang apoy. Huwag pakukuluin.
  2. Ihalo ang asparagus. Pagkaraan ng ilang minute. Tikman. Timplahan ng pampalasa. Ihaing mainit.

Please download here the recipe.

Download23 downloads