Cherry Macaroon Parfaits Recipe

Ingredients:

  • 1 paketeng (3 onsa) Royal Cherry Gelatin
  • 1 tasang kumukulong tubig
  • 1 tasang malamig na tubig
  • 1 tasang heavy cream, batihin
  • 1 tasang macaroons, durugin
  • 1/2 tasang milk chocolate candy bars, durugin
  • 6 na kudradong milk chocolate candy bar

Cooking Instructions:

  1. Tunawin sa kumukulong tubig ang gulaman. Ihalo ang malamig na tubig. Isalin sa kudradong cake pan (9 pulgada). Palamigin hanggang mabuo
  2. Bago ihain, paghalu-haluin ang binating krema, macaroons, dinurog na tsokolateng kendi.
  3. Kudra-kudraduhin ang gulaman. Kutsarahin ang kalahati nito sa 6 na parfait glasses. Lagyan ng kalahating binating krema at mga kasamang sangkap.
  4. Ulitin ang ganitong paghahanda hanggang maubos ang gulaman at krema. Gayakan ng isang kudradong tsokolate ang ibabaw ng bawa’t baso. (para sa 6 na paghahain.)

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.