Empanadang Manok Recipe

Ingredients:

  • 1 batang manok
  • 1/2 kilong giniling na baboy
  • 2 sibuyas na tinadtad
  • 1 malaking pulang siling parasko hiniwang pakudrado
  • 2 kahong pasas
  • 1 latang gisantes
  • 1 kutsarang asukal
  • 3 nilagang itlog
  • 5 kutsarang ginayat na atsara (pickles)
  • 4 na malaking patatas hiniwang manipis na mahaba
  • 1 butil na bawang pinitpit
  • 1/2 latang sarsa ng kamatis
  • 2 itlog binating mabuti
  • 1/2 tasang gatas

Cooking Instructions:

  1. Maggisa ng bawang at sibuyas sa mantika. Isama ang giniling na baboy. Ihulog ang manok. Isama ang sarsa ng kamatis at haluin. Takpan at sabawan ng isang tasang tubig upang lumambot ang laman ng manok.
    Isama ang patatas at pakuluin sa atay-atay na apoy hanggang lumambot ang patatas. Isama ang sili, asukal, pasas, gisantes at alisin sa apoy.
    Alisin ang buto ng manok at hiwaing pakudrado. isama ang 2 pirasong ginayat na atsara, itlog na hiniwang pakudrado at laman ng manok.
    Maglagay ng kaunti nito sa pambalot ng empanada. hulmahin sa hugis na ibig. pagdikitin ang mga dulo ng empanada ng tubig at tiklupin ang mga gilid.
    ilagay sa hurnong may pahid na mantika at ipasok sa pugon. Kapag luto na, pahiran ng timplang itlog at gatas. Ibalik sa pugon.
    Pambalot ng Emapanada:
  2. Ihalo ang margarina sa harina. Isama ang tubig nang unti-unti. Pagulungan ng “rolling pin”. Kailangang magkaroon ng 1 1/2 pulgada ang kapal at 10 pulgada ang haba.
    Hiwain ng isang pulgada ang bawa’t piraso. Gumawa ng bola at laparin. Sa gitna nito ilagay ang palaman. Pagdikitin ang gilid ng tubig at ilupi ang mga panabi nito.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Advertisement

Special Offer For You!!

One thought on “Empanadang Manok Recipe