Empanaditas Recipe

Ingredients:

  • 2 puswelong arina
  • 4 na kutsaritang baking powder
  • 1/2 kutsaritang asin
  • 1 kutsarang asukal
  • 2 kutsarang langis
  • 1/2 puswelong gatas
  • ginisang karneng giniling o haleya para sa palaman

Cooking Instructions:

  1. Salain ang arina, kasama ang asin at “baking powder”. Isama ang asukal at salain uli. Pagsamahin ang gatas at langis.
  2. Gumawa ng hukay sa gitna ng arina at ibuhos ang gatas. Haluin ng tinidor hanggang sa makabuo ng masa.
  3. Ilatag sa sangkalang binudburan ng arina. Gawing 1/4 na pulgadang kapal. Sa pamamagitan ng panghiwa ng “cookies, gumawa ng mga bilog-bilog na piraso ng masa.
  4. Lagyan ng palaman ang gitna at itupi ang masa upang makagawa ng kalahating bilog. Pisil-pisilin ang gilid. Pakuluin ang langis-pamprito at dito papulahin ang mga empanaditas.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

2 thoughts on “Empanaditas Recipe