Hinurnong Bakang may Matamis Recipe

Ingredients:

  • 1 kilong baka
  • ½ ulong bawang
  • Asin
  • Paminta
  • ¼ na tasang arina
  • 6 na osang latang tomato paste
  • 1 berdeng sili, hiwain nang pabilog
  • 1 latang kabuti, patuluin
  • 1 maliit na dahong laurel
  • ¼ na kutsaritang thyme
  • 1 kutsarang asukal
  • 1 malaking sibuyas, hiwain
  • 1 ½ tasang tubig

Cooking Instructions:

  1. Hiwain ang baka. Alisin ang taba. Kuskusin ng bawang ang karne. Budburan ng asin at paminta. Lagyan ng arina ang baka. Bayuhin o pukpukin para kumapit ang arina.
  2. Painitin ang langis sa kawali. Papulahin ang mga hiwa ng baka. Alisin ang baka. Ilipat sa kaserola. Alisin ang langis sa kawali.
  3. Ihalo ang “Tomato Paste”, tubig, asukal at mga pampalasa. Painitin sa kawaling ginamit. Iayos ang sibuyas at berdeng sili sa ibabaw ng baka.
  4. Isalin ang “Tomato Paste” at mga kasamang sangkap. Takpang mabuti ang lutuan. Maaring gumamit ng “Aluminum Foil” bilang panakip. Ihurno sa pugong may 350°F ang init.
  5. Pagkaraan ng 1 ½ o 2 oras o kung luto na ang karne, hanguin. (Para sa 4-6 na paghahain).

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.