Isdang may Sarsang Matamis at Maasim Recipe

Ingredients:

  • 1 luntian siling parasko (hiniwang maninipis na mahahaba)
  • 1 sibuyas na tinadtad
  • 2 kutsarang “salad oil”
  • ½ tasang pulang asukal
  • 1 kutsarang “corn starch”
  • ¼ kutsaritang “dry mustard”
  • 1 kutsarang toyo
  • ½ tasang katas ng limon (sariwa)
  • 1 librang hinimay na laman ng isda

Cooking Instructions:

  1. Maggisa ng sili at sibuyas saz mantika o “salad oil” sa loob ng 5 minuto at itabi. Paghaluin ang pulang asukal, “corn starch” o gawgaw mais at tuyong mustasa. Haluin dahan-dahan.
  2. Isama ang katas ng limon at toyo. Iluto habang hinahalo hanggang lumapot. Isama ang ginisang sili at sibuyas at iluto sa loob ng 2 minuto.
  3. Iayos ang laman ng isda sa hurnong mainit na may pahid na mantika. Ilagay ang hurno sa pugon o ihawin ito. Pahiran ng mantikilya ang laman ng isda habang niluluto.
  4. Magluluto ito sa loob ng 6-8 minuto ayon sa kapal ng isda. Ibuhos ang sarsa at hayaang masingawan sa loob ng 3-4 minuto.

Image Sources: http://panebisteccacom.ipage.com/

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.