Ispagheti, Manok at Paprika Recipe

Ingredients:

  • 1 (3 libra) manok, tilarin
  • 1 ulong bawang, pinitpit
  • asin
  • paminta
  • arina
  • 1/3 tasang olive oil
  • 1 sibuyas, tadtarin
  • 2 malaking kamatis, kudra-kudraduhin
  • 1 tasang tubig o sabaw ng manok
  • 2 dahong laurel
  • 1 1/2 kutsaritang asin
  • 1/2 kutsaritang paminta
  • 1/2 kutsaritang Aji-No-Moto
  • 1 kutsarang asukal
  • 1 kutsarang patis
  • 1 paketeng ispageti, ilaga nang malasado

Cooking Instructions:

  1. Linisin at punasan ang mga tilad ng manok para hanggang magtuyo., Kuskusin ng pinitpit na bawang. Budburan ng asin at paminta. Igulong sa arina.
  2. Painitin sa kawali ang langis. Papulahin ang magkabilang panig ng mga kawali. Lutuin ng 2 minuto pa. Isalin ang tubig, dahong laurel, asin, paminta, aji-no-moto, asukal at patis. Hinaan ang apoy, Takpan.
  3. Ipagpatuloy ang pagluluto hanggang lumambot ang manok. Hanguin ang manok. Ipalit ang ispagheting inilaga na nang malasado.
  4. Isalang sa mahinang apoy. Haluing tuluyan. Hanguin sa pinggan. Iayos sa ibabaw ang mga tilad na manok. Budburan ng paprika ang ibabaw. (para sa 8 paghahain)

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Advertisement

Special Offer For You!!

Comments are closed.