Ispesyal na Lugaw Recipe

Ispesyal na Lugaw

Ingredients:

  • 1 tasang bigas
  • 10 tasang sabaw
  • 3 pirasong kangiocho
  • 1/4 na kilong hipon, tadtarin
  • 1/2 kilong giniling na baboy
  • 5 apulid, tadtarin
  • 1/4 na tasang sibuyas na mura, tadtarin
  • 4 na kabuti, hiwain nang pahaba at makikitid
  • 2 itlog
  • 1 kutsarang gawgaw
  • 2 kutsaritang asin
  • 1 kutsaritang Aji-No-Moto
  • 1/4 na kilong atay ng baboy, hiwain nang makikitid
  • Bitchu-bitchu (shrimp fritter)

Cooking Instructions:

  1. Isalang ang bigas, tubig o sabaw at kangiocho. Paghalu-haluin naman ang hipon, baboy, apulid, sibuyas na mura, kabuti, itlog, gawgaw, asin at Aji-No-Moto. Gawing bola-bola (1/2 pulgadang bilog) Itabi sandali.
  2. Kung halos ay luto na ang bigas at mga kasamang sangkap papataking isaisa ang bola-bola. Isama rin ang atay na hiniwa. Timplahan ng asin at Aji-No-Moto. Haluing tuluyan ang lugaw sa loob ng 5 minuto para maging maganda ang sabaw. Ihaing nasa mangkok. Maaring magbasag dito ng isang hilaw na itlog. Ihaing may kasabay na bitchu-bitchu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>