Lemon Cake Cups Recipe

Ingredients:

  • 1 tasang asukal
  • 5 kutsarang katas ng kalamansi
  • 2 kutsarang tinunaw na mantikilya
  • 3 pula ng itlog
  • Balat ng kalamansi, gayatin
  • ¼ na tasang arina
  • 1/8 kutsaritang asin
  • 1 ½ tasang gatas
  • 3 puti ng itlkog, batihing mabuti
  • ½ tasang kinayod na niyog

Cooking Instructions:

  1. Pagsama-samahin ang asukal, arina, asin at mantikilya. Ihalo ang katas ng kalamansi. Haluing mabuti. Isama ito sa pinaghalong pula ng itlog at gatas. Haluing mabuti.
  2. Isama nang pabalot ang mga puti ng itlog at niyog. Isalin sa mga custard cups na pinahiran ng mantika. Ihurno sa pugong may katamtamang init at ihurno nang mga 35-45 minuto. Kung malamig na, gayaka ng butter icing. Ihain.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Advertisement

Special Offer For You!!

Comments are closed.