Lemper Menado Ala May (Mais) Recipe

Ingredients:

  • 2 tasang giniling na mais, binabad magdamag
  • 1 tasang gata
  • 1 ½ kutsarang langis ng niyog
  • 2 ulo ng sibuyas, tinadtad
  • 1 siling pula tinadtad
  • 4 onsa ng chorizo, giniling
  • 1 kamatis, binalatan, inalisan ng mga buto at tinadtad
  • 2/3 kutsaritang asin
  • 6 pirasong dahon ng sibuyas
  • Dahon ng saging

Cooking Instructions:

  1. Alisin sa pagkakababad ang mais at ilaga sa mahinang apoy nang 30 minuto. Alisin sa tubig ang mais, ihalo sa gata at hayaang nakababad dito nang 15 minuto.
  2. Pakuluan muli sa malakas na apoy nang 15 minuto. Igisa sa sibuyas at sili sa langis ng niyog. Idagdag ang chorizo, kamatis, sibuyas-dahon, kaunting tubig at timplahan ng asin.
  3. Ipagpatuloy ang paggigisa hanggang maluto ang chorizo. Alisin ang dahon ng sibuyas. Ilatag ang isang malapad na dahon ng saging at ipatong ang isang maliit pang dahon sa gitna nito.
  4. Lagyan ang maliliit na dahon ng kaunting mais at paibabawan ito ng nilutong sangkap. Pasingawan. Ihain habang mainit.
  5. Husto para sa 4 katao. Sa halip na chorizo, maaring isahog ang giniling na baboy o hinimay na manok.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.