Lumpiyang Sariwa may Singkamas Recipe

Ingredients:

  • ¼ na kilong karneng baboy
  • ¼ na kilong hipon
  • 2 pirasong tokwa
  • ½ kilong repolyo
  • 2 singkamas (katamtaman ang laki)
  • 20 balat ng lumpiya
  • 1 sibuyas
  • 1 kamatis
  • 2 butil na bawang
  • 2 puno ng letsugas

Cooking Instructions:

  1. Gayatin nang maliliit ang repolyo at singkamas, hiwang panggisa naman ang gawin sa karneng baboy at tokwa. Balatan ang hipon. Dikdikin ang balat ng hipon at katasin sa ½ tasang tubig.
  2. Prituhin ang tokwa. Kapag mapula na’y itabi. Igisa sa pinagprituhan ang bawang, sibuyas, kamatis at isunod ang karneng baboy. Timplahan ng kaunting patis at tubig, pakuluan nang ilang sandali upang lumambot ang karneng baboy. Ihulog ang hipon at isunod ang katas nito.
  3. Haluin habang hindi pa kumukulo. Pagkulo’y ihulog ang repolyo at singkamas. Hindi dapat na maging lutung-luto ang mga ito. Papulahin sa pamamagitan ng kaunting katas ng atsuwete. Hanguin kapag luto na.
  4. Palamigin bago balutin sa balat ng lumpiya. Isama sa pagbabalot ang dahon ng letsugas. Upang lalong sumarap, magdikdik ng mami at ibudbod ito sa balat ng lumpiya bago balutin ang ginisang mga sangkap

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.