Makaroning may Tuna at Kabuti Recipe

Ingredients:

  • 1 kahon ng makaroni (elbow)
  • 1/4 tasang mantikilya
  • 1 latang hiniwang kabuti
  • 1 kutsarang tinadtad na sibuyas
  • 1/4 tasang arina
  • sabaw ng kabuti at tubig upang maging 1 1/2 tasa
  • 1 2/3 tasang gatas (ebaporada)
  • 1/2 kutsaritang betsin
  • 1 kutsarang tinadtad na siling paraskong pula
  • 1 latang tuna inalis ang sabaw
  • 1/3 tasang kinadkad na keso de bola
  • 1/2 tasang keso (cheddar) paprika

Cooking Instructions:

  1. Iluto ang makaroni ayon sa tagubilin sa kahon nito. Banlawan sa tubig at patuluin. Magnuaw ng mantikilya, isama ang kabuti na walang sabaw at sibuyas.
  2. Iluto sa loob ng 10 minuto. Alisin sa apoy at ihalo ang harina.
    Isama ang sabaw ng kabuti at tubig (1 1/2 tasa). Haluin. Isalang muli sa apoy at haluin hanggang lumapot ang sabaw.
  3. Isama ang mustasa, siling pula, tunang hiniwa sa maliliit na piraso. Isalin ang makaroni sa kaserolang may mantika.
    Ibuhos ang tuna sa ibabaw ng makaroni na bahagyang hinalo ng tinidor.
  4. Budburan ng keso at paprika ang ibabaw nito.
  5. Ipasok sa pugon sa loob ng 20 minuto. (350°F) Palamutian ng manipis na hiwa ng siling pula at parsley.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

One thought on “Makaroning may Tuna at Kabuti Recipe