Manok Guiso Recipe

Ingredients:

  • 4 na kutsarang mantikilya o margarina
  • 1 kutsarang langis pamprito
  • 1 manok na tig-1 kilo, hiniwa
  • 2 butil na bawang, pinitpit
  • 1/3 puswelong sibuyas, tinadtad
  • 1/3 puswelong carrot, tinadtade
  • 1 1/2 puswelong gatas ebaporadang alpine, may halong tubig
  • 2 pan de sal, inihaw at dinurog
  • 2 buong klabo
  • 3 anis
  • 1 1/2 kutsaritang asin
  • 2 tig-4 na onsang Nestle’s thick cream o 1/2 puswelong gatas ebaporadang
  • alpine, walang halo
  • 1 kutsarang sibuyas na mura, tinadtad

Cooking Instructions:

  1. Initin ang mantikilya at langis. Iprito ang manok. Isama ang bawang, at isunod ang sibuyas at carrot. Bayaang 10 minuto.
  2. Ihalo ang gatas, pan de sal, klabo, anis at asin. Bayaang 20 minuto o hanggang sa maluto ang manok.
  3. Isalin sa isang bandehado ang manok, nang hindi kasama ang sarsa.
  4. Batihin ang pula ng itlog at thick cream, nang magkasama. Salain ang sarsa ng manok at isama rin dito. Haluin at isal8in ang manok. Ibudbod ang sibuyas na mura bago ihain.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.