Murkon Recipe

Ingredients:

  • ½ kilong laman ng baka hiniwang maninipis na malapad
  • 8 kalamansi
  • 2 kutsarang toyo
  • 1 kutsaritang bawang na binayo
  • ¼ kutsaritang paminta
  • 2 hiwang lutong hamon
  • 1 soriso bilbaw hinati sa apat na mahahabang piraso
  • 2 hiwang taba ng baboy
  • 2 pirasong gherkins (hinati)
  • 5 kutsarang mantika
  • 3 nilagang itlog
  • 5 tasang tubig
  • 1 dahon ng laurel
  • 2 kutsarang tinadtad na sibuyas
  • ½ tasang sarsa ng kamatis
  • Parsley

Cooking Instructions:

  1. Ibabad ang laman ng karne sa katas ng kalamansi, toyo, bawang at paminta sa loob ng 15 minuto. Ilatag ang laman ng karne. Iayos ang hamon, soriso, taba ng baboy, “gherkin” at itlog sa isang hanay.
  2. Balutin ito ng laman ng karne at talian. Iprito hanggang mamula. Ilagay sa kaserola ang karne at lagyan ng tubig, laurel, sibuyas, sarsa ng kamatis, asin at paminta.
  3. Pakuluin sa atay-atay na apoy hanggang lumambot ang karne. Alisin ang tali ng karne at palamutinan ng parsley.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Comments are closed.