Orange Sweet-Sour Tongue Recipe

Ingredients:

  • 1 malilit na dila ng baka
  • 2 kutsarang asukal (Victorias Refined Sugar)
  • ½ tasang katas ng sariwang dalanghita
  • 1 ½ maliit na kahong pasas
  • 1 kutsarang ginadgad na balat ng dalanghita
  • 1 sibuyas
  • 1 karot. Binalutan at hiniwa
  • 2 tangkay ng celery
  • ¼ tasang margarina
  • 3 kutsarang arina
  • ½ kutsaritang asin
  • Paminta na ayon sa inyong panlasa
  • Hiniwang dalanghita

Cooking Instructions:

  1. Pakuluan ang dila. Makaraan ang ilang sandaling pagkulo, hanguin at linisin. Hiwain at pakuluang muli at isama ang sibuyas, celery at ang karot.
  2. Kapag panay na ang kulo dahan-dahang hinaan ang gatong hanggang sa lumambot. Hanguin at itabi ang pinagkuluang sabaw.
  3. Tunawin ang margarina sa isang kaserola. Ihalo ang arina sa mainit na margarina hanggang bumula.
  4. Unti-unting ibuhos ang sabaw hanggang sa lumapot. Timplahan ng asin, asukal, ginadgad na balat ng dalanghita, paminta, pasas at katas ng dalanghita. Ihain nang mainit. Palamutihan ng parsley at hiniwang dalanghita o kahel.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

One thought on “Orange Sweet-Sour Tongue Recipe

  1. Love your recipes and now im enjoying cooking again by trying your recipes. Thank you for making me a great for my kids.