Patang Walang Buto Recipe

Ingredients:

  • 1 pata ng baboy
  • ½ kilong laman ng baboy
  • 2 pula ng itlog
  • 1 kutsarang asukal
  • 1 kutswaritang asin
  • 5 butil na bawang
  • Tubig
  • ½ tasang buto ng sesame o ilaga
  • 2 kutsarang toyo
  • 1 kutsaritang betsin
  • 1 kutsarang gawgaw na mais
  • 1 kutsarang alak galing sa bigas
  • 1 dahon ng laurel

Cooking Instructions:

  1. Alisin ang buto ng pata (huwag sisirain ang balat). Hiwain ang ½ kilong laman ng baboy na may isang pulgada ang laki. Ibabad sa asin at toyo ang hiniwang baboy magdamag.
  2. Ihalo ang 2 pula ng itlog, betsin, gawgaw ng mais, asukal, at buto ng sesame o linga sa ibinabad na laman ng baboy. Ang buto ng sesame o linga ay kailangang isangag at bayuhin. Ipalaman ito sa pata at tahiin ang nasirang balat.
  3. Iluto ang patang may palaman sa kaunting tubig na may bawang, alak-bigas, at dahon ng laurel. Isalang sa atay-atay na apoy. Bilinging paminsan-minsan hanggang lumambot. Palamigin hanggang tumigas at hiwain.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Advertisement

Special Offer For You!!

Comments are closed.