Peanut Raisin Bread Recipe

Ingredients:

  • 1 1/2 tasang buttermilk
  • 1/4 na tasang asukal
  • 2 kutsaritang asin
  • 1/4 na tasang mantikilya o margarina
  • 1/2 tasang mainit-init na tubig
  • 1 tasang mani
  • 1 tasang pasas, walang buto
  • 2 kutsaritang asukal
  • 10 kutsaritang fast-rising fleischmann’s active dry yeast
  • 2 itlog, binating mabuti
  • 5 1/2 tasang sinalang arina

Cooking Instructions:

  1. Painitin ang buttermilk. Alisin ang taba. Ihalo ang 1/4 na tasang asukal, asin at margarina. Palamigin hanggang maging mainit-init.
  2. Samantala, sukatin ang mainit-init na tubig. Ilagay sa malaking mangkok. Ihalo ang 2 kutsaritang asukal. Budburan ng yeast. Hayaan ng 10 minuto saka haluing mabuti.
  3. Ihalo ang mainit init na gatas. Isunod ang mga itlog at ang 3 tasang arina. Batihin hanggang kuminis. Isama ang mani at pasas. Haluing mabuti.
  4. Samahan pa ng arina para makagawa ng malabot na masa (mga 2 1/2 tasang arina). Ilipat sa tablang binudburan ng arina. Masahin hanggang kuminis at maging parang goma ang masa.
  5. Ilagay sa mangkok na pinihiran ng mantika. Takpan. Hayaang umalsa sa mainit-init na lugar sa hindi nahahanginang lugar.
  6. Pagkaraan ng mga 1 1/3 na oras o kung doble na ang laki, digpiin ang masa. Hatiin sa dalawang parte. Hubugin para maging mahabang tinapay.,
  7. Ilagay sa pa (tig-isang sisidlang may laking (9×5″) na pinahiran ng mantika. Sipilyuhin ng langis ang ibabaw. Takpan. Hayaang umalsang muli, mga 45 minuto.
  8. Ihurno sa pinainit na pugong (375°F ang init) at pagkaraan ng 40-45 minuto o kung luto na, hanguin.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Comments are closed.