Pili Brownies

Pili Brownies Recipe

Ingredients

  • 3 kutsrang margarina
  • 1/2 tasang peanut butter
  • 1 tasang asukal
  • 1 buong itlog
  • 1 tasang arina
  • 2 kutsaritang baking powder
  • 1/2 kutsaritang baking soda
  • 1/4 na tasang gatas na ebaporada (haluan ng tubig)
  • 2 tasang pili tadtarin nang pino

Instructions

  1. Gawing krema ang margarina at peanut butter. Ihalo ang asukal nang unti-unti lamang. Ipagpatuloy ang paghahalo hanggang maging kremang-krema. Ihalo ang itlog. Haluing mabuti.
  2. Salaing magkakasama ang arina, baking powder at baking soda. Isama nang halinhinan ang gatas at mga tuyong sangkap sa unang pinaghalu-halong mga sangkap.
  3. Ihalo nang pabalot ang pili. Ilagay sa cookie press o kaya’y papatakin nang kutsa-kutsarita sa cookie sheet (huwag papahiran ng mantika)
  4. Ihurno sa pugong may 350°F ang init at patagalin ng 11 minuto. ang paghuhurno (3 dosenang pili brownie ang lalabsan nito)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>