Pritong Lumpiyang Tuna Recipe

Ingredients:

  • 1 latang tuna (7 onsa). Himayin
  • 3 kutsarang katas ng kalamansi
  • 2 kutsarang mantika
  • 1 kutsarang bawang
  • 1/3 tasang sibuyas hiwain nang pahaba
  • 1/2 tasang kamatis, hiwain
  • 1/2 tasang pasas
  • 1 kutsaritang asin
  • 1/4 na kutsaritang paminta
  • 12 balat ng lumpiya
  • langis, prituhin

Cooking Instructions:

  1. Ihalo sa hinimay na tuna ang katas ng kalamansi. Painitin ang mantika. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Ihalo ang tuna, pasas at mga pampalasa. Haluing mabuti. Kung maga ang mga pasas, hanguin at itabi sandali.
    Ilagay sa isang kutsarang tuna sa balat ng lumpiya. Gawin ang ganito hanggang maubos ang balat ng lumpiya at ang panlaman. Balutin ang bawa’t balat ng lumpiya at idikit ang mga nakaangat na parte sa tulong ng tubig.
    Iprito sa mainit na langis. Ipatong sa humihitit na papel. Ihaing may kasamang sawsawang suka’t bawang.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Special Offer For You!!

Comments are closed.