Raisin Brunch Pancake Recipe

Ingredients:

  • 1/2 tasang pasas (california)
  • 1/2 kutsaritang cinnamon
  • 2 kutsarang asukal
  • 2 itlog
  • 3/4 na tasang buttermilk
  • 1/2 kutsaritang soda
  • 3/4 na tasang sinalang arina
  • 1/2 kutsaritang baking powder
  • 1/2 kutsaritang asin
  • 1 1/2 tasang tinunaw na mantikilya
  • butter cream raisin syrup

Cooking Instructions:

  1. Ilagay sa mainit na tubig ang pasas para mamaga. Pagkaraan ng 5 minuto, patuluin. Patuyuin sa papel na lumilihitit. Ihalo ang cinnamon na may halong 1 kutsarang asukal.
  2. Ihiwalay ang mga puti ng itlog sa pula. Batihing mabuti ang mga puti ng itlog. Ihalo ang 1 kutsarang asukal at batihing muli.
  3. Batihin mabuti ang mga puti ng itlog. Ihalo ang 1 kutsarang asukal at batihing muli. Batihin din ang mga pula ng itlog hanggang maging krema.
  4. Ihalo ang buttermilk at soda. Isama ang arinang sinalang kasama ang baking powder at asin. Ihalo ang mantikilya. Ihalo nang pabalot ang mga uti ng itlog at pasas na balot ng cinnamon.
  5. Ihurno sa griller na pinahiran ng kaunting mantika. Biluhin at panatilihing mainit samantalang nasa parilya ng pugon. Huwag pagpapatung-patungin. Ihaing may kasamang butter cream raisin syrup.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Comments are closed.