Sopas na Letsugas at Baboy Recipe

Ingredients:

  • ¼ librang laman ng baboy
  • 1 letsugas (kaigihan ang laki)
  • 1 itlog
  • 1 kutsarang toyo
  • 2 kutsaritang asin
  • ½ kutsaritang asukal
  • ¼ kutsaritang paminta
  • 2 pinong hiwa ng luya
  • 1 kutsarang arinang mais
  • 1 kutsarang mantika
  • 1 kutsarang betsin
  • 6 na tasang sabaw ng pinaglagaan ng manok

Cooking Instructions:

  1. Hiwaing manipis ang laman ng baboy. Haluin ng toyo, asukal, paminta, harinang mais at mantika. Haluin at itabi. Pukpukin ang dahon ng letsugas at hugasan sa umaagos na tubig subali’t huwag pipigain.
  2. Maglagay ng 2 kutsaritang mantika sa kaserola. Prituhin ang luya na may asin sa lkoob ng ½ minuto. Isama ang 6 na tasang sabaw ng pinaglagaan ng manok. Lagyan ng betsin at hayaang sumubo.
  3. Isama ang tinimplang laman ng baboy. Hayaang sumubo sa atay-atay na apoy sa loob ng 10 minuto. Alisin ang balat ng itlog at ihulog sa sabaw at haluin. Katapus-tapusan ihulog ang letsugas at hayaang muling sumubo.
  4. Alisin sa apoy. Ihain.

Image Sources: http://www.pinoychow.com/

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Advertisement

Special Offer For You!!

Comments are closed.