Suki-Yaki Recipe

Ingredients:

  • ¼ na kilong baka, kabilugan, hiwain nang manipis at pakudrado
  • 1 kutsarang toyo
  • 1 kutsarang asukal
  • 3 pirasong tuyong kabuti ibabad sa tubig at hati0hatin
  • 2 tokwa
  • 2 malaking sibuyas, pag-apatin
  • 1 karot, hiwain
  • 2 tangkay ng kintsay, hiwain
  • 5-6 dahong petsay baguio
  • 50 gramong sotanghon
  • 1 ½ kutsarang asukal
  • ¾ na kutsarang toyo
  • ½ tasang sabaw ng nilagang baka
  • 1 kutsarang Aji-No-Moto
  • ¼ na tasang mantikilya o margarina

Cooking Instructions:

  1. Ibabad ang bakang-hiwa nang pakudrado at kasingnipis ng papel sa pinaghalong isang kutsarang toyo at isang kutsarang asukal. Itabi sandali. Ihanda ang kabuti, tokwa, mga gulay at sontanghon. Pagsama-samahin ang asukal, toyo, sabaw at betsin. Itabi sandali.
  2. Tunawin sa kawali ang mantikilya. Iprito ang kabuti. Itulak sa isang tabi. Iprito nang mabilis ang magkabilang panig nga mga hiwa ng baka. Itabi sandali. Ilagay sa lutuan ang sibuyas at tokwa.
  3. (Ang bawa’t sangkap ay niluluto sa isang kawali lamang bagama’t hiwa-hiwalkay ang paghahanda ng bawa’t isa).
  4. Ilagay ang kerot sa lutuan. Takpan. Lutuin sa mahinang apoy sa loob ng 1 minuto. Ilagay ang petsay at kintsay. Lutuin ng 1 minuto. Ihalo ang dahong petsay, sotanghon at sabaw. Lutuin ng 2 minuto pa. hanguin agad sa isang sisidlan. Ihain.

Advertisement

Disclaimer

Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More

Advertisement

Special Offer For You!!

Comments are closed.