Beef Liver Sanwits Recipe
![]()
Ingredients:
- sariwang atay ng baka
- suka
- asin
- langis na paggisa
- bawang na pinitpit
- aji-no-moto
- sibuyas na tinadtad
- paminta
- ilang hiwang tinapay na pangsanwits
- sariwang dahon ng letsugas
Cooking Instructions:
- Hugasan at alisin ang parang manipis na plastik na nakabalot sa atay. Hiwain ng maliliit at ibabad sa kaunting suka na may kasamang tinadtad na sibuyas at paminta.
- Sa kawali, painitin ang langis at igisa ang bawang hanggang sa mamula. Hanguin at itabi. Iprito ang ibinabad na atay kasama ang paminta at sibuyas.
- Kapag ang kulay ng atay ay maputi na saka isama ang pinagbabarang suka at dagdagan ng kaunting tubig para may salsa. Sa huli timplahan ng asin at aji-no-moto.
- Kapag luto na ang atay ay hanguin agad dahil tumitigas ang atay kapag nasobrahan ng pagluto.
- Ipaibabaw ang ginisang atay at kaunting salsa sa isang hiwang tinapay na may pahid na mantikilya.
- Lagyan sa ibabaw ng letsugas saka takpan ng isa pang hiwang tinapay na may mantikilya din.
- Ihain at kung babaunin sa opisina o eskuwela ay balutin ng “wax paper” upang hindi maging tuyot.
Check Out Our Recommended Products for you!

About The Author

Panlasang Pinoy Recipes is a food blog created to share a collection of local and foreign recipes that have been modified to suit Filipino taste. This blog was started in 2012. The recipes here are a compilation of those obtained from different food blogs.
Disclaimer
Panlasang Pinoy Recipes™ is a food blog that compiles delicious and easy to prepare recipes from various sources around the web. We claim no credit for any images, recipes and videos featured on this blog unless otherwise noted. Read More