Peanut Raisin Bread Recipe
 
Ingredients
  • 1½ tasang buttermilk
  • ¼ na tasang asukal
  • 2 kutsaritang asin
  • ¼ na tasang mantikilya o margarina
  • ½ tasang mainit-init na tubig
  • 1 tasang mani
  • 1 tasang pasas, walang buto
  • 2 kutsaritang asukal
  • 10 kutsaritang fast-rising fleischmann’s active dry yeast
  • 2 itlog, binating mabuti
  • 5½ tasang sinalang arina
Instructions
  1. Painitin ang buttermilk. Alisin ang taba. Ihalo ang ¼ na tasang asukal, asin at margarina. Palamigin hanggang maging mainit-init.
  2. Samantala, sukatin ang mainit-init na tubig. Ilagay sa malaking mangkok. Ihalo ang 2 kutsaritang asukal. Budburan ng yeast. Hayaan ng 10 minuto saka haluing mabuti.
  3. Ihalo ang mainit init na gatas. Isunod ang mga itlog at ang 3 tasang arina. Batihin hanggang kuminis. Isama ang mani at pasas. Haluing mabuti.
  4. Samahan pa ng arina para makagawa ng malabot na masa (mga 2½ tasang arina). Ilipat sa tablang binudburan ng arina. Masahin hanggang kuminis at maging parang goma ang masa.
  5. Ilagay sa mangkok na pinihiran ng mantika. Takpan. Hayaang umalsa sa mainit-init na lugar sa hindi nahahanginang lugar.
  6. Pagkaraan ng mga 1⅓ na oras o kung doble na ang laki, digpiin ang masa. Hatiin sa dalawang parte. Hubugin para maging mahabang tinapay.,
  7. Ilagay sa pa (tig-isang sisidlang may laking (9×5″) na pinahiran ng mantika. Sipilyuhin ng langis ang ibabaw. Takpan. Hayaang umalsang muli, mga 45 minuto.
  8. Ihurno sa pinainit na pugong (375°F ang init) at pagkaraan ng 40-45 minuto o kung luto na, hanguin.
Recipe by Panlasang Pinoy Recipes™ at https://www.panlasangpinoyrecipes.com/peanut-raisin-bread-recipe/