Ingredients:
- 1 librang nilutong isda
- ½ tasang mumo ng tinapay
- 1 kutsaritang katas ng kalamansi
- ½ kutsaritang asin
- ½ kutsaritang tabasko
- 2 kutsarang tinadtad na sibuyas
- 1 kutsaritang tinadtad na kintsay
- 1 kutsarang tinadtad na dahong celery
- 1 maliliit na berdeng sili, tadtarin
- 2 kutsarang tinunaw na mantikilya o margarina
- ¼ na tasang gatas
- 2 binating itlog
Cooking Instructions:
- Himayin ang laman ng isda saka sukatin. Ihalo sa mumo ng tinapay, katas ng kalamansi, asin, tabasco, sibuyas, kintsay, dahong celery, berdeng sili at mantikilya. Ihalo ang gatas sa mga itlog.,
- Isama sa isda at mga kasamang sangkap. Ilagay sa loaf pan (3×7”) na pinahiran ng mantika. Patuluin ang labis na mantika.
- Ihurno sa pugong may 350 °F ang init. Patagalkin ng 50 minuto ang paghuhurno. Hayaan ng 1 o 2 minuto bago ibaligtad sa pinggan.
- Ihaing may kasamang “curry sauce”. Kung ibig, gayakan ng gisantes, mga hiwa ng limon at tinadtad na kintsay. (para sa 6 na paghahain)
Image Sources: http://en.petitchef.com/recipes/