Ingredients:
For Laing
- 1 balot ng dahon ng gabi
- 2 medium na niyog
- 5 pirasong longganisa (matamis)
- 5 pirasong siling pampaksiw
- 3 siling labuyo
- 1 sibuyas
- bawang
- luya
- pepper and salt
- 1 pork buillon cube
For Paksiw na Galunggong
- 5 piraso ng galunggong, medium-size
- luya
- 3 pirasong siling pampaksiw
- suka
- bawang
- sibuyas
- pepper and salt
- 2 tbsp mantika
Cooking Instructions:
For Paksiw na Galunggong
- Sa isang kawali, ilagay ang nilinis na galunggong. Ilagay ang luya, bawang, siling pampaksiw, pepper, asin at siling pampaksiw.
- Hintaying kumulo at saka ilagay ang mantika. After 7 to 10 minutes, hanguin at palamigin. Saka i-debone. Itabi muna.
For Laing
- Maggisa ng sibuyas, bawang at pork cube. Ilagay ang longganisang hinubaran. Haluin at hayaang maluto ng hanggang 5 minuto. Isunod na ihalo ang dahon ng gabi o laing.
- Hayaan ng 5 minuto saka ihalo ang pangalawang piga ng gata ng niyog. Hayaan ng hanggang 30 minuto. Pagkatapos ng 30 minuto, ilagay ang pepper at asin. Isunod ang siling pampaksiw at siling labuyo. Haluin.
- Ibuhos ang unang piga ng gata ng niyog pero magtira ng kalahating cup ng gata. Haluin at hayaan ng 3 minuto. Ilagay sa isang bowl ang laing. Ipatong sa ibabaw ang deboned na paksiw na galunggong.
- Ang natirang gata, ibuhos sa ibabaw ng paksiw na galunggong at saka ihain habang mainit pa.