Panlasang Pinoy Recipes is a food blog created to share a collection of Filipino Recipes and foreign recipes that have been modified to suit Filipino taste.
1 malaking pulang siling parasko hiniwang pakudrado
2 kahong pasas
1 latang gisantes
1 kutsarang asukal
3 nilagang itlog
5 kutsarang ginayat na atsara (pickles)
4 na malaking patatas hiniwang manipis na mahaba
1 butil na bawang pinitpit
1/2 latang sarsa ng kamatis
2 itlog binating mabuti
1/2 tasang gatas
Cooking Instructions:
Maggisa ng bawang at sibuyas sa mantika. Isama ang giniling na baboy.
Ihulog ang manok. Isama ang sarsa ng kamatis at haluin. Takpan at sabawan ng isang tasang tubig upang lumambot ang laman ng manok.
Isama ang patatas at pakuluin sa atay-atay na apoy hanggang lumambot ang patatas. Isama ang sili, asukal, pasas, gisantes at alisin sa apoy.
Alisin ang buto ng manok at hiwaing pakudrado. isama ang 2 pirasong ginayat na atsara, itlog na hiniwang pakudrado at laman ng manok.
Maglagay ng kaunti nito sa pambalot ng empanada. hulmahin sa hugis na ibig. pagdikitin ang mga dulo ng empanada ng tubig at tiklupin ang mga gilid. ilagay sa hurnong may pahid na mantika at ipasok sa pugon. Kapag luto na, pahiran ng timplang itlog at gatas. Ibalik sa pugon.
Pambalot ng Emapanada:
Ihalo ang margarina sa harina. Isama ang tubig nang unti-unti. Pagulungan ng “rolling pin”. Kailangang magkaroon ng 1 1/2 pulgada ang kapal at 10 pulgada ang haba.
Hiwain ng isang pulgada ang bawa’t piraso. Gumawa ng bola at laparin. Sa gitna nito ilagay ang palaman. Pagdikitin ang gilid ng tubig at ilupi ang mga panabi nito.
Love to cook
Great ideas,easy to follow