Go Back

Ginataang Pata ng Baboy sa Saging na Saba Recipe

Ingredients
  

  • 1 maliit na pata ng baboy
  • 4 na saging na saba katamtaman ang laki, pinag-apat
  • 1 niyog kinudkod
  • 1 sibuyas ginayat
  • 1 ulo ng bawang pinitpit
  • Ilang butil ng paminta buo
  • Mantika
  • Patis
  • Betsin

Instructions
 

  • Hiwain ang pata sa pirasong gusto ang laki. Palambutin sa tubig. Igisa sa mantika ang bwang at sibuyas. Isunod ang saging. Timplahan ng patis.
  • Isama ang baboy. Isunod ang makukuhang gata sa niyog. Isama ang paminta.
  • Pakuluan habang hinahalo upang hindi makurta ang gata. Bago hanguin ay timplahan ng betsin.